Baka habang buhay mag-isa.

“Patuloy kong hahanapin
kahulugan ng pag-ibig”

Pinagmasdan ko kung paano lumapit ang kanyang labi saiyong tenga, bumulong ng marahil ay matatamis na salita. Nilingon mo ang kanyang mga mata na sinalubong niya naman ng malalim na tingin. Heto ba?

Nang lumalim ang gabi ay mag-isa akong kumain. Pinili ko ang isang kainang kakaunti lang ang tao. Presko. Tahimik. Pumapailanlang ang tugtuging nagmumula pa sa lumang ponograpo. May tumayong bigla, inilahad ang kulubot nitong kamay sa ginang na nakangiti sa kanya.

Continue reading “Baka habang buhay mag-isa.”

Panagimpan

“Choco Biscocho!”

Pumihit paharap ang lalaki nang marinig ang palayaw na iisa lamang ang kilala niyang tumatawag. Sumalubong sa kanya ang napakahigpit na yakap. Yakap na nagbibigay saya sa at isa lamang ang alam niyang pinanggagalingan nito. “Star Fudgee bar! Na-miss kita!” Gumanti naman ng yakap ang lalaki. Kapwa malawak ang mga ngiti nang bumitaw ang dalawa.

“Bakit ngayon ka lang nagpakita? Saan ka ba galing?” Hindi pa rin makapaniwalang sambit ni Choco. Simula kasi bakasyon ay hindi na niya nakita ang dalaga. Buong pamilya nito ay naglaho sa loob ng tatlong buwan. “Edi sana nakapaghanda ako ng mga paborito mong pagkain..” Dugtong pa niya.

Continue reading “Panagimpan”

Bilanggo

Heto ka nanaman.

Kumakatok ka nanaman sa pinto ng aking isipan. Nagsusumamo na makapasok at mapakinggan. Pilit na kinakabog ang kaloob-looban. Dumating ka nanaman ng hindi inaasahan. Hindi ka na ba nadala?

Teka, sa akin yata dapat itanong ‘yan.

Hindi pa ba ako nadadala? Na sa bawat pagpunta mo ay pinatutuloy kita. Na sa bawat pagkatok mo ay binubuksan ko ang pinto upang papasukin ka. Na sa bawat pag-atake mo ay nanghihina ako at tuluyan nang nagpapatalo. Sa sandali na hinawakan mo nang mahigpit ang aking kamay, pilit na pinupuno ang espasyo sa pagitan ng aking mga daliri ay alam kong hindi na ako makakawala pa. Sa sandaling hinawakan mo ang pareho kong mga braso ay ikaw na ang susundan at patutunguhan. Subalit anong ginawa mo? Binitawan mo ako sa gitna ng daan. Ngayon ay hindi ko na alam kung ano ang kaliwa at kung ano ang kanan. Hindi na alam kung ano ang direksyong tatahakin. Hindi na alam kung ano ang aapuhapin.

Dahil ikaw lang ang alam na baybayin.

Continue reading “Bilanggo”

Ang Pandama ng mga Tao

Ramdam ko pa rin ang init ng kanyang balat noong hinawakan niya ang aking kamay.
Ramdam ko pa rin ito habang papauwi ako ng bahay.

Rinig ko pa rin ang malulutong niyang tawa na tila musika sa aking tenga.
Rinig ko pa rin ito sa kabila ng katahimikan.

Nakikita ko pa rin ang kinang ng kanyang mga mata kapag siya’y tumitingin sa kagandahan ng buhay.
Nakikita ko pa rin ito kahit na patay ang mga ilaw at naghahari na ang karimlan.

Damhin mo rin ito.

Continue reading “Ang Pandama ng mga Tao”

temblar

Her hand balled into a fist as she trembled. This is too much. She screamed loud. So loud, hoping it would ease the pain. But it didn’t.

Her tears kept on leaking. Her head is in catastrophe.

Darkness. Nothing but darkness.

Suddenly, she stopped. Or maybe her limbic system’s fucked up? No one knows. Slowly, her lips rose into a smile.

Blank. Dark. Empty.

Finally, she won’t be in pain anymore.